❗️❗️❗️Seat Sale Booking Tips❗️❗️❗️
Be Quick
📌1. Wag kang babagal bagal- hndi lang ikaw ang may gusto ng piso fare. Nag aagwan po yan. ✅
Be Flexible
📌2. Wag kang choosy sa dates – hindi lahat ng petsa naka sale, kung gusto mo talaga mura, ikaw ang mag adjust sa availbility ng seat. Tska may indicated travel dates po, usually 6months or more ahead yan. Wag kang umasa na may piso fare for next months travel date. ✅
📌3. Tulad ng #2, hndi lahat ng destination naka seat sale, so maghanap ka ng destination na nakasale. Nasa list naman yan. ✅
Strong Network Signal
📌4. Maghanap k ng strong network signal – kung alam mong may seat sale mamaya gabi, mag load ka n unli data sa sim mong alam mo malakas ang signal kung saan ka man naroon. Sabi ko nga pabilisan ang laban jan. ✅
Payment Option
📌5. Apply for cc or always have extra money for travels sa debit card mo – mautak na si ceb pac, walang ng 24hr reservation, bayad dapat agad. May iba kasi, super book tpos d naman babayaran after. Dami nag pupuyat makakuha sale tpos kukunin mo at d naman bbyaran. Although magiging available p din ung seat, pero kawawa nman ung mga super abang pero wala makuha kasi nasayo pala. ✅
Patience is a Virtue
📌6. Mag alarm ka ng 12midnight – seat sale always start by 12mn, so puyatan talaga yan bes, kung super busy man ng site on the first 2hrs, luluwag din yan by 3am kaya lang konti na lang ang available seat sale. ✅
📌7. Patience – oo mag ipon ka mahabang pasensya lalo na mabagal net mo or laging nagcracrash ang site. Pag may tyaga may nilaga. ✅
📌8. Mag try ka sa mga third party app to search for lowest fare like skyscanner. Others use traveloka to book pag lagi crash si cebpac. ✅
Other details
📌9. If group/family booking ang ginagawa mo – use your guestlist sa account mo para bawas time sa pag tatype ng guest details. Kung wala kang guestlist, dapat alam mo na agad details ng passenger, para wala ng hassle pabago ka pa ulit after booking. Free lang naman ang mga minor changes. Pero minsan pag nasa guest details ka na, napapatagal kasi iniisip mo pa ano birthday na ilalagay mo. ✅
📌10. Tska na ang itinerary, hotel bookings, madali na yan basta mag air ticket ka na! ✅
2 thoughts on “Seat Sale Booking Tips”